Babaeng kandidato sugatan sa ambush
BULACAN , Philippines — Sugatan ang babaeng kandidato bilang barangay kagawad matapos na tambangan ng riding-in-tandem habang dumadaan sa kahabaan ng Brgy. Kabayunan sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Norzagaray District Hospital matapos na magtamo ng sugat sa katawan ang biktimang si Emelita Dela Merced, 45, ng Brgy. Kabayunan, dito. Sa ulat ni PO2 Euclid Orduña, dakong alas-10:00 ng gabi habang sakay ang biktima ng isang 10-wheeler truck na tora-tora model galing sa pangangampanya at papauwi na sa kanilang bahay nang biglang sumulpot sa likurang bahagi ng trak ang isang motorsiklong hindi batid ang uri at plaka lulan ang mga suspek. Nang mapalapit sa gilid na bahagi ng trak, dito na binunot ng backrider ang kanyang armas at saka binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang hita at kanang braso.
- Latest