^

Probinsiya

Re-electionist na bgy. tserman itinumba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Ilang araw bago ang nakatakdang Barangay at SK elections, isang incumbent barangay chairman ang nasawi matapos paulanan ng bala sa bayan ng Mallig sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ng Mallig Police ang biktima na si Chairman Bartolome Mackay, 56, ng Brgy. Mallig ng nabanggit na bayan.

 Lumalabas sa inisyal na ulat ng pulisya na dakong alas-4:20 ng madaling araw kahapon nang makari­nig ang mga residente ng magkakasunod na putok ng baril at kasunod nito ay nakita na lamang ang tserman na nakahandusay sa gitna ng kalsada partikular sa Sitio Felipe.

 Napag-alaman na naghain ang biktima ng kanyang kandidatura bilang kapitan sa kanya sanang panghuling termino para sa halalan sa Mayo 14.

 Patuloy imbestigasyon ng Mallig Police para matukoy ang hindi pa nakikilalang mga suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay na posibleng may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon.

vuukle comment

BARANGAY AT SK ELECTIONS

INCUMBENT BARANGAY CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with