2 motor nagsalpukan: 1 dedo, 4 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nasawi ang isang 30 anyos na misis habang tatlo pa ang malubhang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Lower Tomay, Tawang, La Trinidad, Benguet  kamakalawa ng gabi. ?

Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police; kapwa nagkatamaan ang mga motorsiklong minamaneho nina Arnold Sumahey, 37, at Godfrey Quela, 37, sa kurbadang bahagi ng highway dakong alas-11:00 ng gabi. ?

Sa lakas ng salpok, tumilapon at nagpa-gulong-gulong pa sa kalsada sina Sumahey at utol nitong si Jorison, 28,  maging si Quela at mga sakay niyang sina Eric Plan, 33, at Maryjane Gonzales 30.

?Isinugod ang mga biktima sa iisang hospital at tanging si Gonzales lamang ang minalas na masawi.

Nanggaling umano sa magkakahiwalay na laklakan ang mga sakay ng motorsiklo bago naganap ang aksidente.

Show comments