^

Probinsiya

Karahasan sa bgy. election: Tserman pa itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang Brgy Chairman habang sugatan naman ang kasama nito matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa highway ng Brgy Lawaan, Roxas City, Capiz nitong Biyernes ng gabi.

Ito’y mahigit dalawang linggo bago ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Mayo 14 ng taong ito.

Ang biktimang si Elvis Asis, 51 anyos ay idineklarang dead-on-arrival sa Capiz Doctors Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang ulo. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kasama nitong si Joselito Casilla, 30 anyos.

Sa ulat, sinabi ni Chief Insp. Joem Ma­long, Spokesperson ng Police Regional Office 3, dakong alas-8:20 ng gabi habang lulan ang biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Casila nang paulanan ng bala ng mga armadong salarin pagsapit sa lugar.

Naisugod pa ng mga sumaklolong res­cuers ang dalawa sa nasabing pagamutan pero binawian ng buhay si Asis dakong alas-9:53 ng gabi, ilang oras matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol at apat na cartridge ng nasabing armas.

Kasalukuyan pang inaalam ang motibo ng pamamaslang sa target na biktima pero di isinasantabi ang posibilidad na may kina­laman ito sa pulitika kaugnay sa nalalapit na halalan. 

vuukle comment

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with