Lola patay sa heat stroke

Cavite  , Philippines  — Pinaniniwalaang na-heat stroke ang isang 74-anyos na lola matapos itong matagpuang wala nang buhay kamakalawa ng hapon sa Gen. Mariano Alvarez, sa lalawigang ito.  Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isabel Salmorin, residente ng B14 L8 Brgy. Kua GMA, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang nakahandusay na katawan ng biktima sa tabi ng riverbank Komonal Brgy. Olaes GMA, Cavite. Napag-alaman na lumabas umano ng kanilang bahay ang biktima ganap na alas-7:00 ng umaga subalit hindi na ito nakauwi pa.

Show comments