^

Probinsiya

2 arestado sa gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang dalawang katao dahil sa paglabag sa ipinaiiral na gun ban sa magkakahiwalay na insidente sa Cadiz City, Negros Occidental at lalawigan ng Bulacan kaugnay ng napipintong pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bansa.

Sa report ni Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., Provincial Director ng Bulacan Police, dakong alas-12:25 ng madaling araw nang mahulihan ng baril sa checkpoint ang negosyanteng si Fernando Garcia III ng Sto Rosario, Malolos City.

Nakumpiska mula rito ang isang Glock pistol 9 MM na napansin ng mga operatiba na nakalagay sa  tabi ng driver sa kanang bahagi ng behikulo.

 Sa Cadiz City, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng maaresto si Jonathan Sison, 33-anyos matapos na mahulihan ng Smith and Wesson revolver magnum 357 na walang serial number sa isang KTV Bar sa Lopez Jaena Street, Brgy. Zone 4 ng lungsod.

Ayon pa sa pulisya, si Sison ay nabatid na dating security guard ay nakasuot pa ng athletic uniform na may tatak na “PULIS” nang maaresto  ng mga operatiba.

Kalaboso na ngayon sa Cadiz City Police ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Comelec gun ban at Article 179 ng Revised Penal Code (Illegal use of uniforms and insignia) habang ipinagharap na rin ng kasong paglabag sa gun ban ang negosyanteng nasakote sa Bulacan.

GUN BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with