Trak bumaliktad: 1 utas, 18 sugatan

BATAAN  , Philippines  —  Isa ang namatay habang 18 naman ang nasugatan makaraang bumaliktad ang trak sa bahagi ng matarik na kalsada sa Dunsulan Falls, Barangay Liyang sa bayan ng Pilar, Bataan noong Linggo ng hapon. Kinilala ni Metro Bataan Development  Authority Chairman Charlie Pizarro ang namatay na si Edwin Javier habang naisugod naman sa Bataan Ge­neral Hospital ang mga sugatan kabilang ang naipit ang paa na si Julie Lalos. Base sa ulat, nagkayayaang magpiknik ang mga biktima kung saan naligo sa Dunsulan Falls. Gayunman, nagkayayaang umuwi na ang ibang kasama ng mga biktima na lulan ng crane truck (REA 259). Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng preno pagsapit sa matarik na kalsada kaya umatras ang sasakyan saka bumaliktad. Naipit naman si Javier kaya namatay. 

Show comments