Magsyota arestado sa droga

LUCENA CITY, Quezon  , Philippines  —  Walang kawala sa inilatag na Oplan Sita ang magkasintahang drug suspek makaraang masakote kamakalawa ng tanghali sa bisinidad ng Enriquez Street sa Barangay 4, Lucena City, Quezon. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Reynaldo Maclang, chief of police, ang mga suspek na sina Graham Russel Katigbak, 26, ng Purok 6, Barangay Sto. Cristo, bayan ng Sariaya Quezon; at Juvelyn Nacionales, 31, ng Barangay 5, Lucena City. Nabatid na inilatag ang checkpoint ng tropa ni SPO4 Rolly Dahug nang mapadaan ang magsyota na lulan ng motorsiklo. Gayunman, tumangging magpa-inspeksyon ang dalawa hanggang sa iutos na buksan ang compartment ng motorsiklo nito. Dito na nadiskubre ang plastic sachet na shabu na may 1.97 gramo. Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng droga subalit mariing itinanggi na sila ay tulak.

Show comments