Kawani ng kapitolyo pisak sa trak, traktora

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang isang agricultural technician matapos maipit ng truck at tractora ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Upi, bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa ng umaga. ?Hindi na umabot ng buhay sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City si Wyron Mariano, kawani ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela. ?Lumalabas sa imbestigasyon na nakahimpil sa kalsada si Mariano habang lumiliko ang sinusundan  traktora nang bigla sumalpok mula sa kanyang likuran ang Isuzu Elf truck (RBV 197) na minamaneho ni Joseph Tuliao. Sa lakas ng salpok ay nagtuluy-tuloy si Mariano na bumalandra sa traktora na hawak ni Jimmy Madamba Jr.. ?Kaagad namang dinakip ng mga pulis ang drayber ng trak.

Show comments