Lolo nilamon ng ilog

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —Patay ang 68-anyos na magsasaka matapos tangayin ng rumaragasang daloy ng ilog sa Bayan ng Pudtol, Apayao, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Rodrigo Salarzon Garcia ng Barangay Cabatacan sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang magsasakang si Nolie Camangeg patungo sa kanilang bukirin para tignan ang mga alagang kalabaw. Subalit habang tinatawid ang dalawa sa ilog sa pagitan ng Barangay Cabatacan at San Mariano ay naanod ang dalawa. Pinilit ni Camangeg na makalangoy hanggang sa makarating sa kabilang tulay subalit natangay ng malakas na agos ng ilog si Garcia. Natagpuan naman ang bangkay ng biktima sa inilatag na search and rescue operation ng mga awtoridad.

Show comments