5-anyos nene pisak sa trak

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 5-anyos na batang babaeng pre-school student matapos na aksidenteng ma­bundol at makaladkad pa ng isang rumaragasang truck sa kahabaan ng national highway sa Purok Lover’s Lane, Brgy. San Jose, Aurora, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

 Ang biktima na tinukoy lamang sa pangalang Nene ay dead-on-arrival sa Aurora Community Emergency Hospital sanhi ng tinamong matinding sugat sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-12:52 ng hapon habang nakaupo sa harapan ng kanilang tahanan sa lugar ang biktima nang bigla na lamang siyang nagtatakbo sa gitna ng kalsada.

 Sa pahayag ng mga testigo biglang sumulpot ang isang kulay puting pickup truck (SKD 166) kung saan hindi napansin ng driver ang pagtawid ng paslit na tuluy-tuloy na nasagasaan at nakaladkad pa ng ilang dipa.

 Agad namang tumakas ang driver ng trak patungo sa Brgy. Esperanza, Ramon Magsaysay ng lalawigang ito.

 

Show comments