TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 49-anyos na barangay kagawad matapos itong maaresto ng mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Catangraran, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Kagawad Ronald Martillano na sinasabing high-value target at sumawsaw na rin sa Oplan Tokhang noong 2016. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police, nasamsam sa suspek ang dalawang sachets na shabu at marked money. Kinumpiska rin ng mga pulis ang motorsiklo ng suspek na ginagamit sa drug trade.