CAMARINES NORTE, Philippines - Makaraan ang 10 taong pagtatago sa alagad ng batas, naaresto ng mga awtoridad ang dating hepe ng pulisya sa lalawigan ng Palawan sa Brgy San Benito, Goa, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Arthur Ferido Quiray, 75-anyos, may-asawa ng Brgy. Masigla, Puerto Princessa City at nangungupahan sa Zone 3, Brgy. San Benito, Goa, Camarines Sur. Siya ay dating hepe ng Dumaran Municipal Police Station sa Palawan, at dating Palawan Provincial Guard. Batay sa rekord ng pulisya, noong Marso 31, 2009, si Quiray ay nahaharap sa 3 counts ng statutory rape na walang piyansang inirekomenda; acts of lasciviousness na may petsang Mayo 21, 2008 at may piyansang P180,000 at 2 counts pa ng paglabag sa Section 10, ng R.A 7610 o Anti Child Abuse Law noong Marso 31, 2009 na may piyansang P180,000 sa RTC Fourth Judicial Region, Branch 50 sa Puerto Princesa City.