^

Probinsiya

P.1-M reward vs Bulacan massacre suspects

Joy Cantos at Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
P.1-M reward vs Bulacan massacre suspects

Ang P100,000 reward ay napagkasunduan ng mga lokal na opisyal ng San Jose del Monte City laban sa mga killer na sinasabing bangag sa droga matapos na halayin pa ang lola at ina ng tatlong bata, isa rito ay 1-anyos  na lalaki na hindi  pinatawad matapos na paslangin din sa saksak. File

MANILA, Philippines - Nag-alok na kahapon ang lokal na pamahalaang lungsod ng P.1 milyong reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga suspek sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Ang P100,000 reward ay napagkasunduan ng mga lokal na opisyal ng San Jose del Monte City laban sa mga killer na sinasabing bangag sa droga matapos na halayin pa ang lola at ina ng tatlong bata, isa rito ay 1-anyos  na lalaki na hindi  pinatawad matapos na paslangin din sa saksak.

Kinilala ang mga napatay na sina Auring Dizon, 58; Estrella Dizon Carlos, 35, anak ni Auring; mga anak ni Estrella na sina  Donny Carlos, 11; Ella Carlos, 7; at ang 1-anyos na si Dexter Carlos Jr.

Naganap ang brutal na krimen sa bahay ng mga biktima sa Block 1, Lot 8, North Ridge Royal Subdivision sa Brgy. Sto Cristo kung saan nadiskubre ng padre de pamilya na si Dexter Carlos matapos itong umuwi mula sa trabaho bilang security guard noong Martes ng umaga.

Ang bangkay ng matandang babae ay natagpuang walang saplot pang-ibaba habang si Estrella naman ay hubo’t hubad na pa­latandaang ginahasa ng mga adik habang ang tatlong bata ay tadtad din ng saksak na natagpuan sa kanilang silid.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, acting chief of police ng San Jose del Monte City na panggagahasa at hindi pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil walang nawawala na kagamitan at pera ng pamilya.

Sa kasalukuyan, dalawang  person of interest na rin ang inimbitahan ng pulisya at isinasailalim sa masusing imbestigasyon at may mga target pang isunod sa pagsisiyasat. 

Nabatid na ang pamilya ay may negosyong pagbebenta ng mineral water kung saan bago ang krimen ay madalas umanong may magtambay na mga kalalakihan sa tapat ng bahay ng pamilya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with