Trader at bodyguard itinumba sa sabungan

LAGUNA, Philippines - Patay ang 62-anyos na kilalang negos­yante ng Calamba City at kanyang bodyguard matapos pagbabarilin ng mga di nakilalang kalalakihan sa bahagi ng parking lot sa Barangay Tubigan sa Biñan Cockpit Arena kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Lorenzo Fajardo ng Fajardo Compound sa Brgy Bunggo, Calamba City, Laguna; at Jordan Ali, 31, bodyguard ni Fajardo.

Batay sa imbestigasyon ng Biñan Police, pasakay na ang mga biktima sa bullet proof Toyota Camry (ZMJ-881) nang lapitan at at pagbabarilin bandang alas-4:30 ng madaling araw

Nahagip naman ng ligaw na bala ang barangay tanod na si Arnel  Espillardo, 53, ng nabanggit na lungsod, na naisugod sa Ospital ng Biñan.

Mabilis na tumakas ang gunmen na naka-helmet sakay ng motorsiklo.

Narekober naman sa crime scene ang 14 basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments