Kawani ng pamahalaan dedo sa sikyu

CAVITE , Philippines  - Patay ang 45-anyos na kawani ng pamahalaan matapos itong pagbabarilin ng security guard sa harap ng tindahan kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion 4, bayan ng Indang, Cavite. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Adonis Penales ng nabanggit na barangay. Sa follow-up operation ng pulisya ay nasakote naman ang suspek na si Pelagio Sumagaysay Jr., 49, security guard at  nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat ni SP01 Jeffrey Lopez na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nakaupo ang biktima sa harapan ng tindahan ng pagkain kasama ang ilang kaibigan nang lapitan at ratratin ng suspek. Kahit sugatan ay tumakbo palayo ang biktima subalit nadapa ito kaya muling pinaputukan ng suspek hanggang sa mapatay.  

Show comments