TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng mga riding-in-tandem assassins ang 36-anyos na negosyanteng drug personality matapos itong ratratin habang lumalaklak ng alak sa public plaza sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong hatinggabi ng Linggo.?
Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang napatay na si Alvin Aguinaldo na sinasabing number one sa street level target ng pulisya bilang tulak-droga at ?sumawsaw na rin sa Oplan Tokhang noong 2016.?
Base sa police report, tumatagay ng alak ang biktima sa sementadong upuan sa parke nang lapitan at ratratin ng tandem assassins.
Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga nabulabog na magkakatipan kung saan sinamantala naman ng gunmen na tumakas sakay ng motorsiklo.
?Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.