2 Nigerian hackers, arestado

CAVITE , Philippines  - Dalawang Nigerian hacker ng mga bank account ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Barangay Daang Amaya 3 sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Nahaharap sa kasong RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2013) ang mga suspek na sina Samuel Nomso Esomchi, 38; ng Blk. 2, Lot 41, Rosal St., Brgy. Pasong Buaya 11, Imus City, Cavite; at Akinluyi Titus Ade Deji, 42, ng Barangay Malagasang, Imus City, Cavite. Ayon kay PO1 Bernard D. Peligro, ang dalawa ay inireklamo ng pamunuan ng banko kaugnay sa modus operandi nito kaya ikinasa ang entrapment. Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa  kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa agarang deportation.

Show comments