Kawani ng punerarya, nilikida

BULACAN, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 37-anyos na  kawani ng punenarya matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangayu Minuyan, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Nodados Hospital ang biktimang si Fernando Ylagan ng Barangay Citrus sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Bayani Diaz, ipinaparada ng biktima ang Starex van ng DGC Funeral Parlor sa gilid ng Poblacion Road matapos bumaba ang kanyang mga kasamahan nang lapitan at pagbabarilin ng tandem.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal.45 pistol. 

 

Show comments