Trak vs pick-up: Lola dedo, 4 sugatan

QUEZON , Philippines  - Patay ang 66-anyos na lola habang apat naman ang malubhang nasugatan makaraang banggain ng Toyota Hilux ang likurang bahagi ng delivery truck na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Barangay San Luis, bayan ng Guinyangan, Quezon kamakalawa ng umaga.? Kinilala ang namatay na si Myrna Apo habang ginagamot naman sa ospital ang asawa nitong si Wilfredo Apo, 66, at mga apo na sina Charlene Filipino, 33; Lorna Lusterio, 32; at Apo Lusterio, 10, mga residente ng Barangay Poblacion sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.? Ayon sa ulat, nakahimpil sa gilid ng kalye ang Isuzu delivery truck (PSI-9601) ni Christopher Cayunda para mag-deliver ng mga gallon ng tubig-inumin sa mga gumagawa ng kalsada nang  biglang salpukin ng Toyota Hilux ( AGA-8208) ni Wilfredo ang hulihang bahagi ng truck.? 

Show comments