Detachment ng PNP, grinanada

BULACAN , Philippines -  Sugatan ang isang pulis makaraang sumabog ang Granada na inihagis sa detachment ng pulisya sa Barangay Bulualto, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng sharpnel sa braso at hita ang biktimang si PO1 Nelson Mendoza nakatalagang bantay sa 2nd Manuever Platoon ng PNP- Provincial Public Safety Company  sa nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya na naka­rating sa Camp Alejo Santos, kasalukuyang nagbabantay si PO1 Mendoza sa detachment nang biglang sumabog Ang Granada na inihagis ng hindi kilalang lalaki na lulan ng sasakyan.

Inalerto ni P/Supt. Frankie Candelario, company commander ng PPSC ang lahat ng Maneuver Platoon Detachment para sa panibagong pagtatangka. 

 

Show comments