Trike driver lasog sa ‘killer bus’

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines -  Nagkalasug-lasog ang 40-anyos na drayber ng traysikel matapos itong salpukin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Del Pilar, bayan ng Alicia, Isabela kahapon ng mada­ling araw.?

Ayon kay P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng pulisya sa bayan ng Alicia, nalagutan na ng hi­ninga pagsapit sa Manango Hospital ang biktimang si George Aquino, nakatira sa bayan ng Benito Soliven.?

Sumuko naman matapos ang sakuna ang drayber ng GV Florida Bus (BVN-369) na si Jomar Viernes, 33, ng Tuao, Cagayan.

?Lumalabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya ang traysikel pasalubong sa bus na patungong Tuguegarao City dakong alauna ng madaling araw.

Ayon kay Viernes, sinikap niyang iwasan ang traysikel na animo’y paliku-liko sa kanyang pagtakbo subalit nahuli na ang lahat nang matumbok niya ito.?

Ang insidente ay ikatlo nang sakunang kasangkot ang GV Florida Bus na magkasunod na tumaob sa Nueva Viscaya at Isabela noong Enero at Pebrero na kung saan isa ang patay at 30 naman ang nasugatan sa dalawang insidente.

Show comments