^

Probinsiya

Bodyguard ng mayor, kinasuhan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal ang sugatang bodyguard ng mayor na nakaligtas sa ambush ng riding-in-tandem assassins sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. ?

Ayon kay P/Senior Insp. Joseph Dela Cruz, hepe ng pulisya sa bayan ng San Nicolas, bukod sa illegal possession of firearms ay nahaharap pa sa imbestigasyon sa droga si ex-SPO2 Abdon Laureta na nakaratay sa banig ng karam­daman sa Black Nazarene Hospital.?

Matatandaan na nakaligtas si Laureta sa kamata­yan matapos itong ratratin noong nakalipas na linggo kasama ang napatay na si ex-SPO2 Warlito Maruquin na kapwa bodyguard ni Mayor Alex Calucag sa bayan ng Solsona.?

Ayon sa police report, nasamsam kay Laureta ang isang kolorum na cal.45 pistol habang narekober sa kotse ni ex-SPO2 Maruquin ang 8 plastic sachets ng shabu.?

Napag-alamang nasa drug watchlist ng pulisya si Maruquin na nahaharap din sa iba pang kaso ng pagpatay.

vuukle comment

JOSEPH DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with