Magka-live-in tiklo sa droga

QUEZON, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magka-live-in na sinasabing nasa drug watchlist makaraang isagawa ang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Purok 5 Ahon, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Dennis de Leon, chief of police sa Lucena City PNP ang mga suspek na sina Miguel “Macmac” de Ocampo, 39; at Josephine Ann “Joan” Macasaet, 36, kapwa residente sa nasabing lugar. Bandang alas-4 ng hapon nang masakote ng grupo ni P/Senior Insp. Rodolfo Borromeo, hepe ng Lucena PNP-INTEL/DEU ang mga suspek kung saan ay nasamsam ang pitong plastic sachet ng shabu, isang plastic sachet ng marijuana at dalawang cell phone na ginagamit sa drug trade.

Show comments