Senglot na rider dedo sa SUV

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na rider na sinasabing senglot na nagmotorsiklo makaraang makasalpok ng SUV sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Maitim 2nd East sa Tagaytay City, Cavite kahapon. Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Jesrei Hernandez ng Purok 103 sa Brgy. Maitim 2nd Central sa nabanggit na lungsod. Sumuko naman ang driver ng Toyota Fortuner (UOG775) ni Marilu Maxwell, 54, marketing ma­nager ng pribadong kompanya at nakatira  Jefferson Street Royale, Tagaytay sa bayan ng Alfonso sa Cavite. Base sa police report, sinakop ng motorsiklo ng biktima ang linya ng SUV kaya ito sumabit at nasalpok. Lumalabas pa sa pagsisiyasat na positibo sa alak ang biktima kaya pinaniniwalaang senglot ito habang nagmomotorsiklo.

Show comments