Shootout: 2 drug suspek patay

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Purok 5, Barangay Amsic sa Angeles City, Pampanga kamakalawa ng gabi. Sa report ni P/Senior Supt. Edwin Quilates, hepe ng 3rd Regional Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinilala ang mga napatay na sina alyas Mike Muslim at alyas Ramil na kapwa miyembro ng Amsic Drug Group sa Angeles City. Ayon kay Quilates, dakong alas-10 ng gabi nang masabat ng mga operatiba ng Pampanga CIDG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office 3  ang dalawa sa nabanggit na lugar. Sa nasabing pagpapa­nagpo ay sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawa na sinasabing may mga nakabinbing kasong kriminal. Narekober ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, 14 plastic sachets ng shabu at mga bala.

Show comments