Aide ng Abu kumander, patay

MANILA, Philippines – Napaslang ang isa sa aide ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa pagpapatuloy ng opensiba laban sa bandidong grupo sa liblib na bahagi ng Brgy. Sapah Bulak sa bayan ng Sumisip, Basilan kahapon Miyerkules ng umaga. Kinilala ang napatay na kanang kamay ni Indama sa alyas Garabat.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang pinagsanib na elemento ng Army’s 64th Infantry Battalion, Civilian Active Auxiliary sa ilalim ng 4th Special Forces Battalion at mga Civilian Volunteer Organization nang makasagupa ang grupo ng mga bandido.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na ikinamatay ni Garabat kung saan narekober nakuha sa tabi ng bangkay nito ang R4 assault rifle.

Nagsitakas naman ang mga bandido patungo sa direksyon ng Sitio Pandekepan at Sitio Gantalan sa Barangay Sapah Bulak.

Show comments