TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta sa palikuran ng may-ari ng tindahan ang 16 anyos na kundoktor na sinasabing nanloob sa kanyang tindahan sa Barangay Anafatan, bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO3 Teotimo Pagulayan ang napatay na si James Matalang habang naaresto naman ang suspek na si Albert Jacinto, 39.Sa salaysay ng suspek, nadiskubre nito na nakapasok sa loob ng kanyang bahay si Matalang matapos wasakin ang kisame. Nagkaroon umano nang habulan sa bahay hanggang makorner ni Jacinto si Matalang sa palikuran kung saan niya ito binaril sa ulo at katawan. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.