Mister pinatay si misis bago nag-suicide

NORTH COTABATO, Philippines – Selos ang nakikitang dahilan kung bakit pinatay ng isang mister ang mismong misis nito at saka nagpatiwakal ang una sa Barangay Magdum, Tagum City, Davao del Norte, ayon sa ulat.

Kapwa nagtapuan ng kanilang kapitbahay at Tagum City Police na wala nang buhay ang mag-asawa na sina Joebert Betonio, 40-anyos at Christine Betonio, 27-anyos sa kanilang tahanan sa Purok 1 ng nasabing barangay.

Batay sa paunang im­bestigasyon ng pulisya, posible umanong sinakal ng mister ang kanyang misis matapos na makitaan ng mga pasa sa leeg ang babae at pagkatapos ay nagpatiwakal ang lalaki sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili gamit ang damit na ibinitin sa kisame.

Nabatid na palagi uma­nong nag-aaway ang da­lawa dahil umano sa selos na umabot na sa nasabing karumal-dumal na krimen.

Ayon sa kapitbahay ng mag-asawa, palagi umanong sinasaktan ng mister ang misis nito sa tuwing nag-aaway sila dahil sa pagseselos.

Show comments