NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng di-pa kilalang gunman sa panibagong karahasang naganap sa public market ng Barangay Poblacion sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Inspector Erwin Tabora, hepe ng Parang PNP, kinilala ang napatay na si Arturo Pagalin Laureano, 61, ng Brgy. Nituan sa nasabing bayan at nakabase sa Barangay Pinantao. Ayon kay Tabora, dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen dahil walang lumutang na testigo.