NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 16 barangay sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang lubog sa tubig-baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan noong nakalipas na araw.
Ayon kay Eduardo Diesto, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Officer, lalong tumaas ang level ng tubig-baha sa bayan ng Datu Piang dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao River at Liguasan Marsh dahil sa matinding pag-ulan.
Maliban sa mga bahay na lubog sa baha, sinalanta rin ang mga pananim na palay at mais. Nakatakdang mamigay ng tulong ang lokal na pamahalaan, provincial government ng Maguindanao at ARMM-Humanitarian Emergency Action Response Team.
Samantala, patuloy ngayon ang validation ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Agriculture kaugnay sa mga magsasakang naapektuhan matapos ang sunud-sunod na pag-ulan sa nasabing bayan.
Nakatakda namang isailalim sa state of calamity ang nasabing bayan habang patuloy na minomonitor ang kalagayan ng mga residente.