Presong pupuga, napatay

NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang isang preso na nagtangkang tumakas sa district jail matapos itong barilin ng guwardiya kahapon ng madaling araw sa Barangay Amas, Kidapawan City, North Cotabato. Kinilala ang napatay na si Abdulatip Salidata ng Midsayap, North Cotabato at nahaharap sa kasong droga. Ayon kay P/Senior Insp. Cornelio Erwin Griño III ng Cotabato District Jail, nilagare ni Salidata ang rehas na bakal saka umakyat sa pader para tumakas sa likurang bahagi ng Cotabato District Jail. Gayunman, natunugan ng mga jailguard kaya nag-warning shot subalit hindi tumigil ang suspek sa pagtakbo kaya nabaril at na­patay.

Show comments