Bading arestado sa ‘bomb joke’

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sising alipin ang 21-anyos na bading na bumagsak sa rehas na bakal matapos itong magbirong may dala siyang bomba sa bag habang nirerekisa ng sekyu sa entrada ng malaking mall sa Cauayan City, Isabela noong Biyernes.

Kinilala ni P/Supt. Arnel Quilang, hepe ng Cauayan City PNP ang nilalamok sa kulungan Greg Cadiente ng Barangay Turod, bayan ng Reina Mercedes, Isabela. ?

Ayon sa pulisya, sa Lunes na makapagpipiyansa si Cadiente dahil walang opisina ng Sabado at Linggo.?

Maluha-luhang sinamahan ng mga pulis sa piitan ang bading na nagsabing hindi niya alam ang kahihinatnan ng kanyang masamang biro.?

Sa ilalim ng PD 1727 as the Anti-Bomb Joke Law; sinumang magsambit ng tungkol sa bomba, sunog o anumang biro na maaaring ikaalarma ng publiko ay may kaukulang parusang hindi lalampas ng limang taong pagkakabilanggo o multang hindi tataas ng P40,000 o pareho, ayon sa diskresyon ng hukuman.

Show comments