6-anyos nalunod sa pool

CAVITE, Philippines – Patay ang 6-anyos na totoy na sinasabing napabayaan ng ina at kapatid matapos itong malunod sa swimming pool kung saan idinaraos ang birthday party sa Villa Julia Resort sa Barangay San Vicente 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng tanghali. Sa ulat P03 Jose Ilano na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, sinasabing naiwang mag-isa ang biktimang si Gabriel Lyles sa pangangalaga ng kanyang nanay na si Josephine at kapatid na si Charles Joan Lyles habang idinaraos ang birthday party sa nasabing resort. Gayunman habang nasa kasagsagan ng kasayahan ng party ay napansin ni Charles na nawawala ang biktima kaya kaagad nitong hinanap kung saan natagpuan naman sa swimming pool na nakalutang. Kaagad na sinaklolohan at naisugod pa sa Estrella Hospital subalit idineklarang patay ang biktima.

Show comments