Pusher inutas ng kabaro

BULACAN, Philippines – Patay ang 51-anyos na drug pusher matapos itong barilin ng kabarong pusher dahil sa onsehan sa bentahan ng droga Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Yanga Hospital ang biktimang si Angelito “Bilog” Ortega ng Barangay Sapang Palay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.Pinaghahanap naman ang suspek na alyas Tolits ng nasabing barangay. Base sa ulat na nakarating sa Camp Alejo Santos, nakasalubong ng biktima ang suspek kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo kaugnay sa pautang na P.2 milyong halaga ng shabu na hindi naibalik. Dito binoga ng suspek ang biktima bago nagpaputok pa sa ere kaya nagtakbuhan ang ilang residente sa takot na madamay.

Show comments