Chairman pinabulagta

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa napatay ang 44-anyos na barangay chairman makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay San Carlos, bayan ng Cabiao, Nueva Ecija kahapon ng umaga. Kinilala ng Cabiao PNP ang biktima na si Chairman Rolando “Puroy” Bautista, may-asawa, at malapit na kamag-anak ni National Press Club President Joel Sy Egco. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-11:30 nang lapitan ang biktima saka pinagbabaril habang kausap ang ilang residente sa harapan ng kanyang bahay.

Show comments