Rapist ng 14-anyos, arestado

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Nasakote ang 19-anyos na binata makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang mababang hukuman kaugnay sa kasong rape laban sa 14-anyos na dalagita sa Ilagan City, Isabela kamakalawa. Sa pahayag ni P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng PNP Ilagan City PNP, inaresto ang suspek na si Jayson Bagauisan sa kanyang pinagkukutaan sa Barangay San Andres matapos mag-isyu ng warrant of arrest si Judge Andrew Barcena ng Regional Trial Court at walang inirekomendang piyansa. Positibong itinuro ng biktima ang suspek na humalay sa kanya sa loob ng karinderya kapag wala ang kanyang amo.

 

Show comments