2 taga-gobyerno tiklo sa droga

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rodel Gervacio, hepe ng Basco PNP, nasakote ang mga suspek makaraang magkabayaran ng P500 para sa isang plastic sachet ng shabu. Philstar.com/File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang kawani ng gobyerno ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Kayvaluganan, bayan ng Basco, Batanes kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Francisco Alcoy, 39, ng Civil Aviation Authority of the Philippines; at Nilo Guisando, 42, ng Basco Municipal Hall. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rodel Gervacio, hepe ng Basco PNP, nasakote ang mga suspek makaraang magkabayaran ng P500 para sa isang plastic sachet ng shabu. Nasamsam kay Guisando ang tatlo pang plastic  sachets ng shabu matapos itong kapkapan ng pulisya.

Show comments