Ginang pinasok, tinodas sa kanyang bahay

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines –Brutal na kamata­yan ang sinapit ng isang misis sa kamay ng ‘di nakikilalang suspek na pumasok sa loob ng kanyang bahay at pinagsasaksak habang nagpapahinga kamakalawa sa Sitio Cogon, Barangay Mac. Arthur, Monreal, Masbate. Namatay noon din si Alicia Galabayo, nasa hustong gulang, may asawa bunga ng tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Sa ulat, alas 4:30 ng hapon habang nagpapahinga ang biktima nang biglang pasukin ang salarin at sunud-sunod na inundayan ng saksak. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen sa hindi pa mabatid na motibo. Nasa bukid naman ang mister nito nang maganap ang insidente.

Show comments