Simbahan nilamon ng apoy

MANILA, Philippines – Umaabot sa P40 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang isang simbahan sa Barangay Tuding, bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa. Sa ulat ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, bandang alas -10 ng umaga nang tupukin ng apoy ang Bethesda Ministry. Naapula ang sunog dakong alas-2:45 ng hapon matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog ng Baguio City at Benguet. Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang apoy ay nagsimula sa kaliwang bahagi ng gusali na kumalat  at tumupok sa simbahan, staff quarter, klinika at maging ang dormitoryo. Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente pero malaking halaga ang napinsala.

Show comments