2 tulak ng shabu na parak, marine timbog sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – Nakatakda nang kasuhan ngayong araw ang dalawang pulis at isang marine na nasakote sa isang buy-bust operation na nagbebenta ng shabu sa Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga tulak na parak na sina PO1 Hamed Karon, PO3 Benny Uy at Marine Sgt. Sherwin Aregado na nahuli sa akto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Lebak.

Nasakote rin ang iba na nilang kasamahan na sina Michael John Besana, Ronaldo Hierro at Akmad Kabagani nitong Sabado.

Nabawi mula sa mga suspek ang 17 pakete ng shabu, drug-sniffing paraphernalia at pera, ayon pa sa CIDG.

Nalaman ng CIDG ang pagtutulak ng shabu ng dalawang pulis at marine sa impormasyon na ibinigay ng mga barangay officials.

Nakapiit ngayon sa CIDG detention facility sa Gen. Santos City ang mga suspek.

 

Show comments