TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pito-katao ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa Isabela kamakalawa. ?
?Naisugod naman sa Tumauini Community Hospital subalit idineklarang patay sina Ronald Manayan, Wilson Binalay, Erwin Velasco, Clifford Galot.
Ayon kay PO3 Arnel Baquiran, pauwi na sina Manayan at Binalay mula sa pakikipag-inuman nang makasalpukan ang motorsiklo nina Velasco at Galot sa kahabaan ng kalsada sa Barangay 3 sa bayan ng Tumauini.
Samantala, dalawa naman ang namatay matapos silang tumilapon sa kahabaan ng kalsada nang sagasaan ng kanilang motorsiklo ang nagkalat na tubo na nahulog mula sa cargo truck ng Bioethanol Plant sa Barangay Sta. Filomena sa bayan ng San Mariano.?
Kinilala ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP ang mga biktima na sina Mardson Diniega, 33; at Delfino Balisi, 25.
Sina Dineiga at Balisi ay bumili lamang ng birthday cake para sa anak.?
Malubha naman ang nagmomotorsiklong si Valentino Fuerte sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City.
Arestado naman ang driver ng truck na si Alvin Cabbab na sinasabing inabandona ang mga nagkalat na tubo sa kalsada.?
Patay naman si Virgilio Espanto matapos sumubsob sa kalsada dahil sa pakikipagkarera ng motorsiklo kay Jay Cris Carnate sa Barangay San Lorenzo, Ilagan City, Isabela kamakalawa.