Mister dinedo sa inuman

BULACAN, Philippines - Sa halip na kasiyahan ay kamatayan ang sumalubong sa isang mister matapos itong hatawin ng kanyang kainuman gamit ang dalawang bote ng alak sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City sa Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Marky Selovia ng Colinas Verdes Subdivision sa nasabing barangay. Tugis naman ang suspek na si Wilmer Bangalisan, 37, ng Harmony Hills 3, Brgy. Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan. Base sa imbestigasyon ni PO2 Niel Bryan Agapito, magkasamang nag-iinuman ang dalawa at ilang kaibigan nang mapikon ang suspek sa sinabi ng biktima. Agad na tumayo ang suspek saka pinalo sa ulo gamit ang dalawang bote ng alak.

Show comments