Mister grinipuhan ng utol

BULACAN, Philippines – Malubhang nasugatan ang 45-anyos na kuya matapos itong saksakin ng sariling kapatid na nakababata habang nagtatalo sa pagbabayad ng singil sa tubig sa kanilang bahay sa Brgy. Sampaloc, bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod sa Baliwag District Hospital ang biktimang si Mike Biadnes habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kagawad Dioscoro Biadnes Jr., 36, nasabing barangay. Base sa police report na isinumite sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, lumitaw na  nakipag-usap ang suspek sa kanyang kapatid kaugnay sa bayarin sa tubig kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagalit ang suspek at sinaksak ang kanyang kapatid saka pinalo sa mukha gamit ang kahoy.

Show comments