2 tiklo sa baril at granada
BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa makaraang masamsaman ng baril at granada sa inilatag na Comelec checkpoint sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Sowaib Sarip, 25, ng Barbosa Street sa Quiapo, Manila; at Samso Ismael ng Barangay Calvario, Meycauayan City, Bulacan. Lumitaw sa imbestigasyon na magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa na walang helmet nang sitahin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint. Walang maipakitang kaukulang dokumento ang dalawa na naka-uniporme ng PDEA at bullcap ng NBI.
Nasamsam sa mga suspek ang cal. 38 revolver na nakatago sa compartment ng motorsiklo.
- Latest