LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Arestado ang sinasabing kumander ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay San Ramon, bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Romeo Brondia, 50, alyas Ka Bards/ Ka Reden, secretary ng KLG 73, at kumander ng CO KSPN1 sa nasabing lalawigan. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, isinailalim sa masusing surveillance ang suspek na may mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando De Lemio Bobis ng Labo Regional Trial Court Branch 64 sa Camarines Norte sa kasong murder, theft at frustrated murder.