Shootout: Lider ng gang utas

CAMARINES NORTE, Philippines  - Napaslang ang 34-anyos na sinasabing lider ng robbery gang matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Sitio San Martin, Barangay Agos sa bayan ng Polangui, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Marlon Samar, lider ng Marlon Samar Robbery Gang. Napag-alamang nakikipag-inuman si Samar sa kanyang kaibigan nang sumalakay ang pulisya bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Edwin C. Ma-Alat ng Ligao City Regional trial Court, Branch 14. Gayunpaman, nakipagbarilan si Samar kaya napatay habang nasugatan naman ang kainuman nitong si Nestor Senadan na ngayon ay ginagamot sa JBDMD Hospital sa Ligao City.

Show comments