2 utas sa road mishap

Sa ulat ni PO3 Renzy Yarcia, nahagip ng pampasaherong bus ni Johnny Borja ang nagmomotorsiklong si Marlon Garo Jr. sa kahabaan ng highway sa Barangay Baretbet, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.? Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang namatay sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Nueva Vizcaya at Isabela kamakalawa. Sa ulat ni PO3 Renzy Yarcia, nahagip ng pampasaherong bus ni Johnny Borja ang nagmomotorsiklong si Marlon Garo Jr. sa kahabaan ng highway sa Barangay Baretbet, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Lumalabas sa imbestigasyon na nang-agaw ng linya ang motorsiklo ni Garo habang nakikipag-karera sa isa pang sasakyan sa kurbadang kalsada kaya nasalpok ang kasalubong na bus.? Agaw-buhay naman ang kasama ni Garo na si Pfc. Ronald Tawagon na inoobserbahan sa PLT Hospital sa bayan ng Solano habang nasakote ang driver ng bus na si Borja. ?

Samantala, basag ang bungo ni Jerry Villanueva  matapos makipagsalpukan sa kuliglig trailer sa kurbadang kalsada sa Barangay Pangal Sur sa bayan ng Echague, Isabela. ?

Ayon kay P/Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng Echague PNP, nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Villanueva kaya nabangga ang kuliglig na sasakyan ni Mario Estelong.?

Tumilapon at nagpagulung-gulong si Villanueva sa kalsada habang isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Estelong.

Show comments