Misis ng ex-tserman natagpuang patay sa banyo

MANILA, Philippines – Palaisipan ngayon sa mga otoridad kung nag-suicide o pinaslang ang misis ng isang dating barangay chairman na natagpuang may hawak sa kamay ng baril sa loob ng kanilang banyo sa Zone 4, Nancamaliran East, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Eden Perreras Antiniw, na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan.

Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mister nitong si Nolan Antiniw upang magbigay linaw sa insidente.

Batay sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng ginang sa kanilang banyo matapos umuwi ng bahay ang mister nitong si Nolan.

Samantalang hawak pa ng ginang sa kanang kamay ang cal, 45 pistol na nakarehistro sa mister nito nang datnan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng pulisya.

Show comments