Estudyante na desperado nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines – Dahil sa umano’y matinding depresyon, isang estudyante sa kolehiyo ang nagpatiwakal sa Prk. Halangdon, Brgy. Benitez, Banga, South Cotabato.

Ayon kay PO2 Leo Reynes ng Banga PNP, ang biktima ay nakilalang si Red Naraval, 19 anyos, binata, ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pasado alas-6 ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima habang nakabigti gamit ang sinturon.

Dagdag pa ni PO2 Reynes, second-hand information lamang ang nakalap nila dahil sa pag-ayaw ng pamilya ng biktima na pumasok ang mga pulis sa crime scene.

Ngunit nangako umano ang ina ng biktima na pupunta sila sa police station ngayong araw upang magbigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa pagpapatiwakal ng nasabing biktima.

Show comments